4 na kadete ng PMA, pinarusahan dahil sa hazing

Agad na pinatawan ng parusa ang apat na kadete ng Philippine Military Academy na sangkot umano sa hazing ng kapwa nila fourth-class cadet noong Setyembre ng nakaraang taon.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, noong nakaraang taon din ay naipatupad ang kaukulang parusa matapos ang masusing imbestigasyon.

Aniya, dalawa sa mga kadete na itinuturing na mga ‘mistah’ ng biktima at direktang sangkot sa pananakit ay nasuspinde habang ang isa ang nakalusot sa kaso matapos mapatunayang walang kinalaman, habang ang isa pa ay naparusahan sa ilalim ng command responsibility.

Kasalukuyang naka-indefinite leave ang biktima habang hinihintay ang discharge orders batay sa resulta ng pagsusuri ng AFP Medical Board.

Wala pa aniyang natatanggap na kopya ng police report o pormal na reklamo ang pamunuan ng PMA, pero iginagalang nila ang desisyon ng pamilya ng biktima na magsampa ng kasong kriminal laban sa apat na kadeteng sangkot sa insidente.

Facebook Comments