4 na kalalakihan, huli sa operasyon ng pulisya sa Caloocan City

Arestado ng mga otoridad ang apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nasakote na sina John Joseph Calipusan, Marlon Valdez, Aron Roy Lopez,  at John Saber Valdez.

Lumilitaw na si Calipusan ay dati nang nasampahan ng mga kaso kaugnay ng ipinagbabawal na gamot at pagnanakaw samantalang si Valdez ay hinuli dahil tinangkang pigilan ang otoridad sa pag-aresto sa mga suspek.


Isinagawa ang operasyon sa Dolmar Golden Hills Brgy. 167, Caloocan City.

Narekober sa mga nahuli ang 7.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P51,000.

 

Facebook Comments