4 na kalalakihan, nahulihan ng ilegal na droga habang ipinatutupad ang ECQ sa Marikina City

Hindi nakaligtas sa mga otoridad ang apat na kalalakihan na lumabag sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at nahulihan pa ng ilegal na droga sa San Miguel Phase 2, Barangay Fortune, Marikina City.

Paglabag sa RA 11332 in relation to Proclamation No. 922 at paglabag sa  RA 9165  ang kinakaharap nina Charlemen Navalle, 38 anyos, construction worker;  Ma. Estrella Soriano, 52 anyos, house-keeper; Nelson Navalle  67 anyos, tricycle driver at Noli Olango, 35 anyos, Bank messenger.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagsagawa ng mahigpit na pagpapatupad ng  ECQ ang mga tauhan ng  Marikina PNP ng maispatan ang apat na kalalakihan na nagtipun tipon na malinaw na paglabag sa Social Distancing ng ECQ.


Agad na sinita at nang kapkapan nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang pirsong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu,ang isa namang suspek ay itinapon isang  plastic sachet at nang tinang ng mga pulis nakita ang pinaghihinalaang shabu habang ang isa pang suspek ay nakumpiskahan ng 5 gramo ng shabu.

Facebook Comments