Kinilala ang mga nahuli na sina Jimmboy Valmeo, 24-anyos, residente ng Brgy. Imelda, Cabanatuan, Nueva Ecija; Roy Santos, 39-anyos, residente ng Brgy. Bayugo, Meycauayan, Bulacan; Adrian Sietzer Puno, 18-anyos, at residente ng Brgy. Suba Matatalaib, Tarlac City at isang Rey Matias.
Agad na inaresto ang mga nasabing suspek nang makumpirma ng mga kapulisan ang impormasyon galing sa isang concerned citizen na may nagaganap na ilegal na pagsusugal o drop ball.
Samantala, nagawa namang makatakas ng Drop Ball Manager na kinilalang si Olive Flores, 51-anyos na residente ng Brgy. Matatalaib, Tarlac City, Tarlac at ngayo’y patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Nakumpiska sa lugar ang dalawang (2) sets ng drop ball, paraphernalias; pera na nagkakahalaga ng P5,110; at marked money.
Kaugnay nito, nasa kustodiya ng Ilagan City Police Station ang mga naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 as amended by Republic Act No. 9287 ang mga nahuling suspek.