4 na kapwa akusado ni Quiboloy, inaasahang ililipat ng Pasig City Jail ngayong araw

Posibleng ilipat na sa Pasig City Jail ang apat na kapwa akusado ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes pagkatapos ng kanilang arraignment sa Quezon City RTC Branch 106 para sa kasong child at sexual abuse via video conference ngayong hapon.

Ayon kay Philippine National Police o PNP-PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ito ay alinsunod na rin sa kautusan ng Pasig RTC Branch 159 na doon idetine ang mga akusado.

Ani Fajardo, ililipat ang apat ngayong hapon sa Pasig City Jail maliban na lamang kung may bagong kautusan ang hukuman.


Samantala, mananatili naman si Quiboloy sa kustodiya ng PNP.

Ito’y makaraang maghain ng mosyon ang kampo ni Quiboloy na mapasailalim ito sa hospital arrest partikular na sa Veterans Memorial Medical Center sa Davao City.

Ito’y dahil umano sa kanyang existing medical conditions.

Pero inatasan aniya ang PNP ng korte na matignan ng government doctors si Quiboloy upang matimbang kung pagbibigyan ang hirit nitong hospital arrest.

Facebook Comments