4 na Kasapi ng NPA sa Ifugao, Sumuko sa Militar Matapos Makubkob ang Kuta, Matataas na Uri ng Armas Nakumpiska!

129

*Asipulo, Ifugao- *Sumuko sa militar ang apat na miyembro ng New Peoples Army (NPA) mula sa mahigit kumulang na 20 miyembro matapos makubkob ng militar ang kampo ng mga NPA makaraang araw sa Sitio Lab-ong, Brgy Namal, Asipulo, Ifugao.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col. Narciso Nabulneg Jr., Commander ng 54th IB, PA, una nang sumuko ang dalawang rebelde na sina Ka Iyong at Ka Cindy matapos ang unang engkwentro sa pagitan ng 54th IB at NPA sa nasabing lugar.


Nagtagal aniya ng isang oras at tatlumpong minuto ang bakbakan hanggang sa umatras rin ang mga rebelde at nakubkuob ang kanilang kuta.

Narekober ang iba’t-ibang uri ng armas gaya ng K3 Special Automatic weapon, M16 riffle na may M203 grenade launcher, explosive devices, generator set, mga cellphones, mga subersibong dokumento, tatlong bandera ng NPA at iba pang mga gamit.

Kaugnay nito ay boluntaryo ring sumuko ang dalawa pang NPA matapos ang magkasunod na engkwentro sa parehong lugar na sina Ka Rambo at Ka Hadji at isinuko ng mga ito ang apat na deka-libreng armas, dalawang granada, isang rifle grenade at 66 na bala ng rifle grenade.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng 54th IB ang mga narekober na gamit ng mga naka-engkwentrong NPA.

Facebook Comments