4 na kaso ng “walking pneumonia” sa bansa, gumaling na – DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng apat na kaso ng mycoplasma pneumoniae o “walking pneumonia” sa bansa.

Pero sa statement na inilabas ng DOH, nilinaw nito na hindi na bago ang mga na-detect na kaso.

Nabatid na isa sa mga kasong ito ay naitala noong Enero, isa noong Hulyo at dalawa noong Setyembre.


Ayon sa ahensya, gumaling na ang mga pasyenteng tinamaan ng walking pneumonia na 0.08% lamang din anila ng naitalang influenza-like illnesses sa bansa mula Enero hanggang Nobyembre.

Una nang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na walang outbreak ng walking pneumonia sa Pilipinas sa gitna ng tumataas na kaso ng respiratory illnesses sa China.

Facebook Comments