Kalaboso ang apat na lalaki matapos mahuling nagsasagawa ng tupada o iligal na sabong sa Malate, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina Emilio Burce, Jimmilito Vallejo, Bienvinido Calugay at Victor Serano, treasurer ng Barangay 708, Zone-78 ng Lungsod ng Maynila.
Mismong ang barangay kagawad ng Brgy. 701, Zone-77 na si Edison Zabala, kasama ang tanod na si Artemio Arcenio at liason officer na si Roberto Tepace ang umatesto sa mga suspek saka sila itinurn-over sa MPD-station 9.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang manok na panabong at perang pamusta na aabot sa ₱1, 840.00.
Nabatid na isang concerned citizen ang nagsumbong hinggil sa tupada sa may bahagi ng Marbella Alley kanto ng M.H. Del Pilar sa street sa Malate kaya’t mabilis na rumesponde ang mga opisyal ng Barangay 701.
Aminado ang mga suspek na nagpa-tupada sila saka sinabing taon-taon nila itong ginagawa pero ipinaliwanag sa kanila ng mga otoridad ang umiiral na batas gayundin ang panuntunan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).