4 na Katao, Arestado sa Pagsusugal!

163

*Cauayan City, Isabela-* Huli ang apat na indibdwal matapos maaktuhan sa pagsusugal sa barangay Upi, Gamu, Isabela.

Ang mga nadakip ay nakilalang sina Anna Victoria, 35 anyos, may-asawa, Diana Rose Matusalen, 23 anyos, butcher; Analyn Sacasac, 33 anyos, walang asawa, at isang 17 anyos na dalagita na itinago sa pangalang “Ana’ na pawang mga residente ng Brgy Upi, Gamu, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nahuli ang mga suspek matapos na makita sa paglalaro ng ‘Tong-its’ sa isinagawang pagpapatrolya ng mga kasapi ng PNP Gamu sa naturang barangay.

Nakumpiska sa mga suspek ang pera na nagkakahalaga ng mahigit tatlong daang piso, mga ginamit na baraha, mga upuan at isang wooden table.

Dinala na sa himpilan ng PNP Gamu ang apat na suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers