4 NA KATAO, HULI SA ILEGAL NA SUGAL

CAUAYAN CITY – Arestado ang apat na katao dahil sa ilegal na pagsusugal sa Brgy. Alabug, Tuao, Cagayan.

Naaktuhan umano ng kapulisan ang mga suskpek na naglalaro ng mahjong kung saan nasamsam ang P1,600 na bet money, mahjong tiles, at dalawang dice.

Ang mga suspek ay dinala sa himpilan ng Tuao Police Station para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon.


Samantala, muling ipinaalala ni Police Colonel (PCOL) Julio Gorospe, Provincial Director ng Cagayan, na mahigpit na ipinagbabawal ang paglalaro ng anumang uri ng sugal sa kanilang lalawigan at huhulihin ang sinomang lalabag dito.

Facebook Comments