4 na Katao, Timbog sa Illegal Logging

*Naguilian, Isabela- *Arestado ang apat na katao matapos maaktuhang nagkakarga ng mga iligal na putol na kahoy bandang alas diyes kagabi sa Brgy. Sto Tomas, Naguilian, Isabela.

Naaresto ang driver ng Isuzu closed wing van truck na si Joselito Bautista, 36 anyos, Jayson Soriano, 30 anyos, Rodolfo Bolar, 52 anyos, at si Christopher Pascua, 45 anyos na pawang mga residente ng Brgy Centro, San Antonio, Ilagan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng PNP Naguilian mula sa isang confidential informant kaugnay sa pagkakarga ng mga suspek ng mga iligal na troso sa isang Isuzu van truck na nakatakdang ibyahe sa Bulacan area.


Agad namang nagtungo ang mga otoridad sa nasabing lugar at dito naaktuhan ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang Isuzu closed wing van truck na naglalaman ng iba’t-ibang laki ng putol na troso at isang Honda TMX Supremo na walang plaka.

Dinala na sa himpilan ng PNP Naguilian ang mga suspek maging ang mga nakumpsikang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at dispsosisyon.

Facebook Comments