Abot sa ₱75.4-M na pinagsamang hindi nabayarang buwis, interes at multa ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenues (BIR) sa apat na kompanya at negosyante sa Laguna at Quezon.
Ito’y matapos ireklamo ng BIR sa Department of Justice (DOJ) ang mga ito dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Ang mga inirereklamo ay sina Enrico Bay at si Pedro Bay, president at treasurer ng Cubit Construction & Dev’t Corporation para sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2014 na aabot sa ₱27,898,264.77.
Ang mga managing partners na Sina Gloria Bautista at Corazon Flores ng
Dent Chem Enterprise Co., para sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2013 ng aabot sa ₱25,462,586.50.
Ang President na si Robert Eugene Driscol at Humberto Alido, president at treasure ng Filcoco Ventures Inc., para sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2013 ng aabot sa ₱9,587,393.93.
Ang President na si Joon Young Jang, at ang Chief Finance Officer na si Jung Hee Yun ng Sein Phil., Kocosys Corporation para sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2014 ng aabot sa ₱9,030,961.51.
Susan Gabon Abaigar, proprietor ng Southern Hardware & Construction Supply, para sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2016 ng ₱3,441,571.02.
Sa kabila ng ginawang kumpletong proseso ng pagkolekta ng buwis ng BIR, hindi nagbayad ang mga naturang kompanya.