Halos 250 million pesos na utang sa buwis ang hinahabol ng BIR laban sa apat na kumpanya at negosyante.
Batay sa reklamo ng BIR na inihain sa DOJ, ang may pinakamalaking utang sa buwis ay ang Marel Multi Sales Corporation at ang chairman nito na si Jayvee Mariano na retailer at importer ng tela at iba pang general merchandise mula sa Valenzuela City.
Umaabot sa 111 million pesos na buwis ang hinahabol sa kanila ng BIR para sa taong 2014.
Sumunod ang may-ari ng Celestial Star Marketing sa Caloocan City na si Liberty S. Cagui na umaabot sa 92 million pesos ang tax liability noong 2010.
Nasa 24.11 million pesos naman ang tax deficiency ng FNP Corporation at presidente nito na si Enrico J. Pineda noong 2012.
Bigo ring makabayad ng 23.01 million pesos na buwis ang may-ari ng S.C. Sionzon Construction sa Olongapo City na si Sherwin Dela Cruz Sionzon para sa taong 2006.
Ang mga nasabing negosyante at kumpanya ay kinasuhan ng BIR sa DOJ ng tax evasion dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa kabila ng mga abiso ng kawanihan.