Manila, Philippines – Ipinagharap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng paglabag sa National Internal Revenue Code ang ilang kumpanya at mga opisyal nito dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Partikular na kinasuhan ng tax evasion ang KE TI Coatings, Inc. at opisyal na si President Smith S. Chua.
Umaabot sa halos P1M ang tax liabilities ng nasabing kumpanya.
Samantala, kaparehong asunto din ang ikinaso sa 3 delinquent corporate taxpayers.
Kabilang dito ang Ban Gonza Corporation President Jasper Laurence Chua; Hana Construction & Development Corporation, President Conrado Mendoza; at PECC Construction & Industrial, Corp., President Nicolas E. Esposado.
Kabuuang P70.08M ang buwis na hinahabol ng gobyerno sa tatlong nabanggit na kumpanya.
Facebook Comments