4 na lalaki, arestado matapos tangkang dukutin ang babaeng Chinese national sa Lungsod ng Pasay

Hawak na ngayon ng Pasay City Police Substation 1 ang apat na suspek na nagtangkang mandukot ng babaeng Chinese national sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Barangay 6 Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Joe”, 43 years old, alyas “Jhing”, 27 years old, alyas “John”, 25 years old at alyas “Arn-arn”, 47 years old.

Sa report na inilabas ng Substation 1, Pasay CPS kasalukuyan silang nag-iikot at nagpa-patrol sa kahabaan ng Roxas Boulevard nang may maobserbahang komosyon habang pilit na isinasakay sa sasakyan ang biktimang Chinese businesswoman habang lulan ng kanyang BMW Sedan.


Narekober naman sa mga suspek ang sasakyang kanilang ginamit na black Land Cruiser Prado, isang revolver paltik, five live ammunition ng cal. 38, tatlong plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang foil, dalawang kutsilyo, tatlong handheld radio, duck tape, at martilyo.

Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong attempted kidnapping, violation of R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearms), R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act), at BP 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapon).

Sa ngayon, ay nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa pagkakaaresto ng iba pang mga suspek.

Facebook Comments