4 na lalaki, sugatan matapos magkainitan habang nag-iinuman

Tondo, Maynila – Sugatan ang apat na lalaki matapos magkainitan habang nag-iinuman sa Barangay 62, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga sugatan na sina Jomar Elombareng, 25-anyos; Bernie De Asis, 23-anyos; Mark Jayson Abellanes, 23-anyos at isang alyas ‘Longlong’.

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman sina Elombareng, De Asis at Abellanes nang dumaan si alyas Longlong.


Lumalabas na may dating alitan ang grupo kung nagkainitan ng dalawang panig.

Sugatan sa mukha si Elombareng matapos mahampas sa mukha habang nagtamo ng ilang saksak sa katawan si De Asis at Abellanes.

Agad isinugod sa ospital ang mga sugatan.

Facebook Comments