Nananatiling positibo sa paralytic shellfish toxin ang alat na lalawigan sa bansa.
Base sa shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang mga sumusunod na lugar at delikado pa rin dahil sa shellfish toxin:
- San Pedro Bay, Western Samar
- Lianga Bay, Surigao del Sur
- Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol
- Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental
Ayon sa BFAR, lahat ng uri ng shellfish na makukuha sa mga nabanggit na lugar ay hindi ligtas kainin.
Ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay maaaring kainin basta ay nahugasan ito ng maayos at tinanggal ang internal organs bago lutuin.
Facebook Comments