Nananatiling malaya mula sa COVID-19 ang apat na lalawigan sa bansa.
Ito ay kahit naitala na ng Department of Health (DOH) ang nasa 72,269 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 23,623 ang gumaling at 1,843 ang nasawi.
Ayon kay DOH Public Health Service Director Dr. Beverly Ho, wala pa ring narerekord na kaso ng COVID-19 sa Batanes, Quirino, Aurora at Dinagat Islands.
Paliwanag ni Ho, malaking tulong ang pagiging isolated ng mga nasabing lalawigan.
Naging matagumpay rin ang mahigpit na pagbabantay ng local authorities sa mga nabanggit na lugar sa pamamagitan ng screening sa mga taong nanggagaling sa mga lugar na mayroong community transmission.
Facebook Comments