4 na lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, isasara dahil sa konstruksyon ng MRT-7

Quezon City – Dahil sa pagpapatuloy ng konstruksiyon ng station 3 ng MRT-7.

Mula sa pitong lane, magiging lima nalang ang madadaanan ng mga sasakyan sa magkabilang lane sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Tig-dalawang lane sa parehas na direksyon ang isasara mula University Avenue at Central Avenue.


Kaya asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Commonwealth Avenue.

Inaasahang aabutin ng hanggang Abril ng susunod na taon ang nasabing konstruksiyon.

Humingi naman ng pang-unawa at kooperasyon ang MRT-7 traffic task force sa mga motorista at hiniling na sumunod sa batas-trapiko.

Facebook Comments