Kinilala ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang mga naging partners o katuwang nito sa Kadiwa Program ngayong taong 2023.
Partikular na pinuri ni Laurel ang mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, Las Piñas, Parañaque, at Muntinlupa City na nagbukas ng mga regular market hubs para makapagsuplay ang mga magsasaka ng mura, sariwa at masustansyang mga produkto sa publiko.
Ayon naman kay DA Assistant Secretary for Consumer Affairs Genevieve Velicaria-Guevarra, abot sa 1,887 Kadiwa selling activities ang naisagawa sa Metro Manila simula noong January 2023.
Ikinatuwa ng DA na maliban sa nakapagbigay ng oportunidad sa mga food producers para sa year-round market para sa kanilang produksyon, nagbukas din ang Kadiwa ng malakas na kolaborasyon sa pambansang pamahalaan, mga LGUs, at sa mga komunidad.