Itinuturing ng OCTA Research Group na “areas of concern” ang San Fernando sa La Union, Davao City, Iloilo at Baguio City dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at hospital bed occupancy rate.
Batay sa OCTA, nakakapagtala ang Davao City ng 324 na bagong kaso ng COVID-19 kada araw mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1 na 43% itong mas mataas sa 227 average daily cases noong nakaraang linggo.
Lumalabas din na 66% ng hospital bed at 89% ng intensive care unit (ICU) sa Davao City ang okupado na.
Maliban sa Davao City, tumaas din ang 38% o 103 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Iloilo City mula sa 75 cases noong nakaraang linggo.
Ang Iloilo City ay mayroon 94% ICU bed occupancy at 78% hospital bed occupancy.
Sa Baguio City naman ay tumaas ng 30% ang mga bagong kaso habang nasa 82% ng kanilang hospital bed at 77% ng ICU bed ang okupado na.
Tumaas din ng 148% ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa San Fernando, La Union kung ikukumpara sa nakalipas na dalawang linggo.
Dahil dito, nasa 67% ng hospital bed at 78% ng ICU bed sa San Fernando, La Union ang okupado na.