4 na lugar sa Maynila, pinag-aaralang isailalim sa ‘hard lockdown’   

Pinag-aaralan na ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang posibleng pagpapatupad ng ‘hard lockdown’ sa apat na lugar sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.

Kabilang rito ang Tondo, Sta. Cruz, San Andres at Malate.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, layon ng hard lockdown na mapigilan ang pagkalat ng virus.


Tiniyak naman ng alkalde na mabibigyan ng sapat na panahon ang mga residente na makapaghanda bago ipatupad ang lockdown.

Una nang isinailalim sa 48-hour hard lockdown ang Sampaloc dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sa ngayon, nasa 644 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila, 60 ang nasawi habang 89 ang gumaling na.

Facebook Comments