4 na lugar sa QC, kabilang ang ABS-CBN, bantay sarado sa paggunita ng EDSA People Power Anniversary

Itinaas na sa full alert status ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) ang buong lungsod sa paggunita at pagdiriwang ng Edsa People Power Revolution ngayon araw.

Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Ronnie Montejo, mahigpit ang ginagawa nila ngayong  pagbabantay sa apat na lugar sa kanilang nasasakupan na pagdarausan ng rally ngayong araw.

Kabilang sa binabantayan ng QCPD na pagdarausan ng rally ay ang Housing Authority, Philippine Coconut Authority, ABS-CBN Compound at Welcome Rotonda.


Bukod sa protest activities ay magkakaroon din ng regular program para sa 34th anniversary of the EDSA People Power Revolution. Ang programa ay magsisimula ng alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.

Nagpapaalala ang mga otoridad sa mga motorista na asahan ang masikip na daloy ng trapiko sa People Power Monument sa EDSA kapag nagsimula na ang programa.

Facebook Comments