4 na lungsod sa Metro Manila, naabot na ang herd immunity laban sa COVID-19

Naabot na ng apat na lungsod sa National Capital Region (NCR) ang herd immunity o bilang ng populasyong kinakailangang mabakunahan kontra COVID-19.

Kabilang na rito ang lungsod ng San Juan, Las Pinas, Marikina at Taguig.

Sa San Juan City, 176,573 doses na ng bakuna ang naiturok o katumbas ng 199.7% ng 70% target population target.


Batay naman sa Las Pinas Local Government Unit, 90.6% ng target population o katumbas ng 447,086 ana residente ang fully vaccinated na laban sa sakit habang 99.9% ang nakatanggap na ng first dose.

Nitong Oktubre 14 naman nang ihayag ng Taguig City LGU na 100% na ng kanilang target population ang fully vaccinated na.

Nakuha na rin ng lungsod ng Marikina ang target na populasyong mabakunahan kontra COVID-19 bagama’t hindi pa ito pormal na inanunsyo sa publiko.

Facebook Comments