4 na matataas na opisyal ng CPP-NPA, naaresto sa Kabankalan City, Negros Occidental

Nahuli ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang apat (4) na matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang isinagawang law enforcement operation sa Sitio Mamposo, Brgy. Magballo, Kabankalan City, Negros Occidental.

Ayon kay Philippine Army 3rd Infantry Division Spokesperson Major Cenon Pancito III, ang apat (4) na naarestong high ranking official ng CPP-NPA ay nakilalang sina: Emmylo Cañares, 38-anyos, kasalukuyang secretary ng 2nd National Urban Center Party Committee (2NUCPC); George Buga-ay, 42-anyos at dating squad leader at Finance Logistics Officer ng Regional Strike Forces (RSF) ng Kilusang Rehiyon Negros (KR-N), dati ring Secretary-General ng PAMALAKAYA Negros at ngayon ay Regional Communication (RCOM) ng KR-N; Relyn Moreno, 22 anyos, kasalukuyang Regional Communication (RCOM) staff ng KR-N, at Raffy Patajo, 21 anyos at dating Squad Finance Logistic Officer (FLO) ng Platoon 3 at Squad leader ng Platoon 2, South West Front, KR-N at Regional Communication Staff of KR-N.

Nakuha sa kanila ang isang caliber .45 pistol; isang .38 caliber revolver na may limang live ammunitions; apat na hand grenades; cash na aabot sa halagang Php119, 354; mga cellphones at chargers; mga USB; at iba pang mga mahahalagang dokumento.


Tiniyak naman ng tropa ng militar sa lugar na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa terorismo.

Facebook Comments