Arestado ang apat na lalaki sa bisperas ng Bagong Taon matapos maaktuhang nagsasabong sa bakanteng lote sa 1119 Ulingan East, Lawang Bato, Valenzuela City.
Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Jereza Salvador, Vejume Pensan Dalman, Hilbryan Zuñiga Rubiano at Hernando Aringo Marticio.
Batay sa imbestigasyon ng Valenzuela Philippine National Police (PNP), nakatanggap ng text ang mga operatiba ng Station Intelligence Section mula sa isang concerned citizen tungkol sa iligal tupada sa naturang lugar.
Nakumpiska sa mga ito ang dalawang panabong na manok at perang ₱3,300.00.
Paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling ang kasong kahaharapin ng apat na sabungero.
Facebook Comments