4 na milyon, na-validate na bilang mga benepisyaryo ng 2nd tranche ng SAP

Halos apat na milyong benepisyaryo para sa ikalawang bahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ang na-validate ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ipinasa na nila ang listahan ng mga pangalan ng apat na milyong benepisyaryo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pagtitiyak ni Año na sisimulan ang pamamahagi ng second tranche ngayong buwan.


Mayroon pa ring mga local government units na nasa proseso pa rin sa pagmamahagi ng first tranche ng cash subsidy sa mga benepisyaryo, pero malapit na aniya itong matapos.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng COVID-19 task force na ipasok ang karagdagang limang milyong low-income families sa mga makakatanggap ng ayuda sa ilalim ng emergency subsidy program.

Facebook Comments