Nasabat sa joint operation ng Philippine National Police (PNP), Philippine Air Force (PAF) at Customs Police ang apat na milyong pisong halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa Cabatangan, Zamboanga City kahapon.
Batay sa ulat na nakarating kay PNP Officer in Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., tatlong pinaghihinalaang smuggler ang naaresto sa naturang operasyon.
Kinilala ang mga ito na sina Khan Adin, Aldin Sabtal, and Benshariff Bari.
Nakuha sa kanila ang 121 master cases ng smuggled Fort cigarettes na nagkakahalaga ng ₱4.2-M, na nakatago sa isang orange Isuzu Elf closed van.
Ayon kay Danao, ang matagumpay na operasyon ay resulta ng mahusay na intelligence gathering ng PNP, at kooperasyon ng mga kinauukulang ahensya.
Facebook Comments