Abot sa apat na milyong manggagawa posibleng magutom dahil sa pagputol ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa 5,000 financial assistance sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).
Ayon kay Party-list Rep. Raymond Mendoza, pakiramdam ng mga manggagawa na pinaasa lang sila ng gobyerno.
Pandugtong buhay kasi ng kanilang pamilya ang cash assistance, ngayong wala silang trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Inanunsyo ng DOLE na ihihinto muna ang pamamahagi ng financial assistance dahil kinukulang na ang ₱1.6 billion budget.
Nakapagpamahagi na ng ₱1.2 billion ang DOLE na nakapag-benepisyo na ng 236,412 manggagawa at nasa 1.4 million work establishments ang apektado ng ECQ.
Facebook Comments