4 na miyembro ng NPA, sumuko sa militar sa Palawan

Manila, Philippines – Apat na miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa militar sa magkahiwalay na barangay sa lalawigan ng Palawan kamakalawa.

Unang sumuko sa militar ang mga rebeldeng sina Jeffrey Orit Sampaca alyas Ka Ruben at Dante 25 anyos at Henry Poyang Minduk alyas ka Daniel 18 anyos mga taga Sitio Tabud Brgy Saraza Brookes Point noong September 28, 2017.

Sa sunod na araw sumuko naman sina Germalyn Batuan Pitogo alyas Gengen 16 anyos at Analy Pitogo Ambuan alyas Ansa 19 anyos mga residente ng Sitio Macagua Brgy Armas Brookes point Palawan.


Ayon kay Capt Cherryl Tindog ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas kabilang na ang isang unit M1 Garand na may 5 clips at 40 rounds ammunition, dalawang IEDs, isang rocket parachute flare at isang shotgun.

Sa ngayon isinasailalim na sa validation at documentation ang mga sumukong rebelde upang mapasama sa Local Social Integration Program ng Provincial Government ng Palawan para makakuha ng pinansyal na tulong para magkaroon ng panibagong kabuhayan.

Facebook Comments