4 na Nagpositibo sa COVID-19 sa Cauayan City, Gumaling na

Cauayan City, Isabela- Nakarekober na sa COVID-19 ang apat (4) na nagpositibo sa nasabing sakit na naitala mula sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa ulat ng City Health Office as of October 10, 2020, idineklarang ‘fully recovered’ sina CV1291, CV1323, CV1384, CV1491 na pawang mga residente ng Cauayan City.

Ito’y matapos mag-negatibo ang resulta ng kanilang ikalawang swab test at sila’y hindi na rin nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.


Natapos na rin ng mga ito ang kanilang mandatory quarantine.

Sa kasalukuyan, mayroon na lamang labing anim (16) na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Samantala, nasa labing pito (17) ang natukoy na direktang nakasalamuha ng nagpositibong vendor at trabahador ng Primark palengke na nakatakdang isailalim sa swab test.

Hinihikayat naman ng City Health Office ang lahat ng mga nagpunta sa nasabing palengke sa nakalipas na 14-days na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 na makipag-ugnayan sa sumbungan ng bayan.

Facebook Comments