4 na nakikilamay, pinagbabaril sa Infanta, Quezon

193

Infanta, Quezon – Dead on arrival sa pagamutan ang apat na indibidwal habang sugatan naman ang dalawa pa matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Purok Irrigation Barangay Ilog Infanta, Quezon kagabi.

Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QCPD) nakikilamay lamang ang mga biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang suspek at walang sabi sabing pinaputok ng ilang beses ang kanyang bitbit na kalibre 45 baril.


Pagkatapos ng pamamaril ay agad itong tumakas, isinugod naman agad sa Claro M. Recto Memorial District Hospital ang mga biktima pero ang apat ideneklarang dead on arrival.

Kinilala ang mga itong sina Herman Cuento 70-anyos, Leon Turgo 73-anyos, Manuel Avellaneda 41-anyos at Michael Nuza 50-anyos.

Patuloy namang ginagamot sina Maximo Junio, 65-anyos at Napoleon Penamante 68-anyos.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na krimen upang matukoy ang motibo at salarin.

Facebook Comments

From Advertisers