4 na NPA sa Caraga, sumuko sa PNP dahil sa gutom

237

Sa harap ng nararanasang health crisis ng bansa sumuko sa Philippine National Police CARAGA ang apat na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at Militia ng Bayan.

Kinilala ang mga sumukong rebelde na sina Alias “Mon”, 51 anyos; alias Mike, 21 anyos; alias Bong, 30 anyos; at Alias Cris, 37 anyos.


Isinuko rin ng mga ito ang dalawang .45 kalibreng baril, isang .38 caliber at isang 9mm caliber kasama ang iba’t-ibang klase ng bala.

Sa panayam ng Regional Mobile Force Battalion 13 sa mga sumukong rebelde, inamin ng mga itong nalinlang sila sa ipinangako sa kanila ng Communist Party of the Philippines (CPP), NPA, National Democratic Front of the Philippines (NDF) na magkakaroon ng masagana at mapayapang buhay ang paganib nila sa grupo.

Pero dahil nakakaranas sila ng gutom kaya nagdesisyon silang sumuko na lamang.

Facebook Comments