4 na opisyal ng SSS na sangkot sa iregularidad, ipinasasailalim sa lookout bulletin ng Immigration

Manila, Philippines – Hiniling ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa Department of Justice (DOJ) na isyuhan ng Immigration lookout bulletin order ang mga opisyal ng SSS na dawit sa iregularidad ng ahensya.

Ito ay sina SSS Executive Vice President for Investment Rizaldy Capulong, Vice President for Equities Investment Division Reginald Candelaria, Equities Product Development Head Ernesto Francisco Jr. at Actuarial and Risk Management Division Chief George Ongkeko.

Nasasangkot ang mga ito sa pag-trade ng kanilang sariling stocks sa stockbroker ng SSS.


Sinabi ni Castelo na mainam na may lookout bulletin order para mabantayan ang mga biyahe ng apat na opisyal.

Hindi rin makakatakas ang mga ito sa pananagutan sa batas sakaling magsampa na ng kaso ang SSS.

Hinimok din ni Castelo ang ibang opisyal ng pamahalaan na isiwalat ang mga nalalaman na iregularidad sa kanilang mga departamento tulad ng ginawa ni SSS Commissioner Jose Gabriel La Viña na ibinulgar ang katiwalian ng apat na SSS officials.

Facebook Comments