Apat na ospital na ang pansamantalang nagsara sa gitna ng delay na pagbabayad ng COVID-19 claims ng PhilHealth.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi), kabilang rito ang isang ospital sa Samar at tatlo sa Davao del Sur.
Inilipat na ang mga pasyente nito sa ibang ospital habang ang mga apektadong healthcare workers ay nag-apply na muna sa ibang healthcare facilities.
Babala ni De Grano, mas maraming ospital at healthcare facilities pa ang maaaring magtigil-operasyon dahil sa mga hindi nababayarang reimbursement ng PhilHealth kung saan nakadepende ang pagtugon nila sa COVID-19.
Sa ngayon, mahigit P5 billion pa ang unpaid claims ng PhilHealth.
Facebook Comments