Isang pagsabog ang naitala sa labas ng compound ng Datu Unsay Municipal kaninang umaga.
Bagaman walang may nasaktan nag- iwan ito ng crater ayon sa report ng mga otoridad na ipinarating sa DXMY.
Nangyari ang insidente bago ang pagsisimula ng Baranggay at SK Elections. Hindi naman ito nakaapekto saw along barangay ng bayan.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP. Pinaniniwalaang maaring mula sa grenade launcher ang sumabog.
Samantala isa ring explosion ang naitala pasado alas onse ng umaga sa bahagi ng Baranggay Dungguan sa Datu Montawal.
Wala ring may nasaktan sa pangyayari habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kung sino ang responsible sa pagsabog sa panayam ng DXMY kay PSIns Razul Pandulo , COP ng Datu Montawal.
Inaalam rin ng mga otoridad ang nangyaring magkasunod na pagsabog sa mga boundaries ng Tulunan North Cotabato at Gen. Salipada K. Pendatun Maguindanao. Pasado alas dyes ang unang explosion na sinundan alas onse pasado kanina.
Kaugnay nito di naman nakaapekto sa eleksyon sa Barangay at SK ang mga nangyaring pagsabog sa tulong na rin ng mga inisyatiba ng mga otoridad.