4 na pangunahing kalsada, nananatili pa ring sarado dahil sa epekto ng Bagyong Jolina

Nasa apat na pangunahing kalsada ang hindi pa rin madaanan hanggang ngayon sa Region 3 at Region 4A, dahil sa epektong dulot ng Bagyong Jolina.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), ito’y dahil sa pagbaha, nagbagsakang mga puno at landslide.

Sa monitoring ng DPWH, sarado pa rin dahil sa pagbaha ang Nueva Ecija-Aurora Road, Diteki River Detour Road sa Aurora at Lemery-Taal Diversion Road sa Brgy. Palanas, Lemery, Batangas.


Hindi rin madaan ang Indang-Alfonso Via Luksuhin Road, dahil sa nagbagsakan na mga puno.

Ang Tagaytay-Taal Lake Road sa Brgy. San Jose, Tagaytay City, ay imposible pa rin madaanan sa lahat ng motorista dahil sa landslide.

Patuloy naman ang clearing operation ng DPWH Quick Response Team, para maiayos na ang mga naapektuhan na kalsada.

Samantala ang Nueva Ecija-Aurora Road sa Baong Spillway at Labi Spillway sa Brgy. Labi, Nueva Ecija ay maaari lamang daanan ng mga heavy vehicles dahil sa lakas ng daloy ng tubig.

Facebook Comments