4 na personalidad na may kinalaman sa nadiskubreng bulto-bultong barya, ipapatawag na ng NBI

Pormal nang ipapatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na personalidad na may kinalaman sa nadiskubreng bulto-bultong barya na aabot sa P50 milyon.

Ayon sa NBI, bagama’t wala pang lumulutang na nagmamay-ari sa mga barya ay makikipag-ugnayan naman sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas at sa Money Laundering Council para sa gagawing imbestigasyon.

May denominations ang mga barya na P1, P5 at P10 na una nang binanggit ng Bureau of Customs.


Samantala, ang mga luxury car naman ay inaalam pa kung ay imported o hindi.

Kasabay nito, titingnan din ng NBI kung nagbayad ng tamang customs duties ang may-ari ng nasabing magagarang sasakyan.

Ang mga barya at luxury cars ay magkasamang nadiskubre sa isang bahay sa Quezon City.

Facebook Comments