Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) General Gregorio Pio Catapang Jr. ang preventive suspension sa apat na tauhan, kasama ang Acting Commander of Guards, ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Kaugnay ito sa nangyaring insidente ng pananaksak noong nakaraang Huwebes, ika-2 araw ng Enero, kung saan mayroong isang person deprvied of liberty (PDLs) ang nasawi, habang 2 naman ang sugatan.
Kasunod nito ang mahigpit na pagpapatupad ng BuCor ngayon sa lahat ng prisons and penal farms sa bansa at ang masusing pag iingat sa kanilang mga nasasakupan.
Iginiit ni Catapang na critical ang tungkulin ng mga corrections officers sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, at responsibilidad din ng mga ito na pangalagan ang seguridad sa loob ng bilibid prison upang hindi na lumaganap ang anuman karahasan.