4 na pinatay na pulis sa Negros Oriental, pinahirapan bago pinatay sa harap ng mga residente sa isang brgy sa Negros Oriental- PNP Chief

Kinumpirma ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde na sa harap ng mga residente sa isang barangay sa Negros Oriental pinahirapan o pinatay ng mga miyembro ng New Peoples Army ang apat na pulis.

Noong July 18, 2019, unang report ng PNP ay tinambangan ang apat na pulis habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Sitio Yamot Brgy Mabato, Ayungon Negros Oriental.

Pero hindi lamang pala sila tinambangan sa halip pinahirapan muna bago pinatay ng mga miyembro ng NPA na ginawa pa sa harap ng mga residente ng barangay.


Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, tinali sa kamay, likod, binugbog bago binaril at namatay ang apat na pulis sa harap ng mga residente sa Brgy Mabato.

Base aniya ito sa resulta ng ginawang examination ng PNP SOCO sa labi ng apat na pulis.

Makikita raw sa labi ng apat na pulis ang pasa sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan, indikasyon na pinahirapan muna bago pinatay.

Malinaw rin aniya na ang mga gumawa nito sa kanilang mga kabaro ay hindi sumusunod at hindi iginagalang ang karapatang pantao.

Ang mga nasawing pulis ay kinilalang sina Police corporal Relebert Beronio, Patrol man Raffy Callo, Patrol Man Roel Cabellon at Patrol Man Marquino De Leon.

Sila ay mga nakatalaga sa 704th Mobile Force Company ng 7th Regional Mobile force Batallion.

Facebook Comments