4 na Pinoy, pasok sa Forbes “30 Under 30 Asia”

Apat na Pilipino ang nakapasok sa Forbes “30 Under 30 Asia” ngayong taon.

Ito ay listahan na tampok ang 300 disruptors, innovators at entrepreneurs sa rehiyon.

Kinabibilangan ito ng 30 honorees sa 10 kategorya tulad ng: arts; consumer technology; enterprise technology; entertainment and sports; finance and venture capital at healthcare and science.


Kasama rin ang manufacturing and energy; media; marketing and advertising; retail and e-commerce at social entrepreneurs.

Ang mga Pilipinong napabilang sa listahan ay sina:

Earl Patrick Forlales at Zahra Halabisaz Zanjini – co-founders ng Cubo, ang kumpanyang nagdidisenyo at nagtatayo ng mga bamboo houses sa loob lang ng apat na oras.

Georgianna Carlos – co-founder at CEO ng Fetch! Naturals, isang premium pet care brand.

Kenn Costales – founder ng Monolith Growth Ventures, isang performance marketing firm.

Ayon kay Forbes 30 Under 30 Asia editor Rana Wehbe, ang criteria na pinagbasehan ay demonstration ng leadership, enterpreneual spirit at success potential sa kanilang industriya.

Ang China ang may pinakamaraming bilang honorees ngayong taon na may 61, sunod ang India (59), Japan (30), South Korea (28) at Singapore (23).

Facebook Comments