4 na Pinoy, tinaboy ng China Coast Guard sa South China Sea

Kinumpirma ng Chinese Embassy sa Pilipinas na may tinaboy na naman ang China Coast Guard na apat na Pinoy sa South China Sea.

Ayon sa Embahada ng Tsina, ang naturang mga Pinoy ay iligal daw na pumasok sa Huangyan Island na sakop ng teritoryo ng China.

Nilinaw ng Chinese Embassy na naging maayos naman ang pagpapa-alis sa mga Pinoy.


Tiniyak din ng China na pananatilihin nila ang pagpapairal ng proteksyon at law enforcement activities sa kanilang hurisdiksyon.

Gayundin ang pagprotekta sa anila’y kanilang national sovereignty at maritime interests.

Facebook Comments