Binalasa ni Philippine National Police (PNP) Chief General Camilo Cascolan ang apat na Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) Directors epektibo ngayong araw.
Si Police Major General Dionardo B. Carlos ang itinalagang DIPO Director ng Visayas.
Police Major General Chiquito M. Malayo – Director, DIPO-Western Mindanao
Police Brig. General Manuel M. Abu – Director, DIPO-Southern Luzon
Police Brig. General Ferdinand B. Daway – Director DIPO, Northern Luzon
Kamakailan, una nang inutos ni Cascolan at batay na rin sa PNP Sustainable Development Plan na maghanda ng Implementing Rules and Regulations para sa mga pagbabago sa magiging function ng DIPO na magfo-focus sa internal security operations.
May magiging malaking role aniya ang mga DIPOs sa pag-iinbestiga sa mga malalaking krimen at terorismo sa kanilang area of responsibility.