Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na merong apat na preso ng Sta. Ana Police Station na nag positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).
Batay ulat ng NCRPO, ang tatlong lalaking nag positibo sa virus ay mga nakulong dahil sa ipinagbabawal na droga.
Ang 37-anyos ay nakulong noong January 10; 26-anyos inaresto noong February 01; at February 25 naman ang 43 taon gulang.
Sila ay mga residente ng Sta. Ana Manila.
Ang isa pang nag-positibo sa virus, ay isang binatilyo na 19-anyos, na taga San Andres Bukid, na may kasong child abuse at nakakulong noon pang January 25 ngayong taon.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, noong April 27, 2020, nagsagawa ang kanilang Quick Response Team (QRT) ng rapid testing sa mga press ng Sta. Ana Police kung saan walo ang sumailalam sa Nasopharyngeal Swabbing.
Aniya lumabas ang results ng nasabing test nitong May 3 Lang, kung saan apat sa kanila ay kompermadong nag positibo Sa COVID-19.
Agad naman itong dinala sa Delpan Sports Complex, Tondo Manila para i-isolated at mabigyan ng lunas.
Tiniyak naman ni Sinas na tutulungan nila ang mga preso na sakop ng kanyang hurisdiksyon na magpopositibo sa COVID-19.