TARLAC – Apat na person under investigastion (PUI) na pinaghihinalaang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang namatay bago pa lumabas ang resulta ng kanilang eksaminasyon.
“The four (4) PUI deaths are from Concepcion, Camiling, Sta. Ignacia and Paniqui. Their causes of death are acute respiratory failure (2 of them), severe pneumonia (1) and cardiac arrest (1), Still no confirmation yet from DoH if they were tested positive or negative. “ saad ng Tarlac City Information Office sa Facebook post.
Sa isang panayam kay Tarlac Governor Susan Yap nitong Miyerkoles, naisugod pa ang dalawa sa apat noong Marso 16 subalit pumanaw din makalipas ang ilang oras.
Pahayag ng opisyal, nagtratrabaho bilang bus driver sa National Capital Region (NCR) ang isa sa mga nasawi.
Bago pa raw palawigin ang enhanced community quarantine, nakauwi na raw ang pasyente sa naturang probinsiya.
“They were admitted to hospital not because of COVID but because of preexisting illness. Ang health protocol ay pag may signs like umuubo, automatic pinapa-swab namin yun at pinapa-test,” ayon pa sa gobernadora.
Ipinadala raw sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa Alabang, Muntinlupa City ang mga nakuhang sample mula sa mga taong binawian ng buhay.
Sa huling datos ng Provincial Health Office, mayroon nang 29 PUI sa lalawigan at ilan sa mga ito ay naka-confine sa iba’t-ibang pagamutan sa rehiyon.