Manila, Philippines – Pormal nang sinampahan ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang apat na pulis sa Malabon na inaakusahan ng kidnapping at robbery extortion.
Sina SPO2 Ricky Pelicano, PO2 Wilson Sanchez, PO1 Joselito Ereneo, at PO1 Frances Camua ay isinasalang na ngayong hapon sa inquest proceedings para sa kasong kidnapping, robbery, carnapping at paglabag sa Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 na tumutukoy sa planting of evidence.
Kasama rin sa ipinagharap ng reklamo ang pitong iba pang pulis na at large na sina: SPO2 Gerry Dela Torre, PO3 Michael Angelo Diaz Solomon, PO3 Luis Tayo Hizon Jr, PO2 Michael Papa Huerto, PO1 Jovito Roque Jr; PO1 Ricky Alix Lamcen at PO3 Bernandino Pacoma.
Ang PNP-Counter Intelligence Task Force ang tatayong public complainant sa kaso.
Si State Prosecutor Susan Azarcon naman ang hahawak ng kaso.
Ang apat na pulis ay naaresto sa isinagawang operasyon ng PNP CITF kahapon
Ito ay kasunod na rin ng sumbong ng pamilya ng biktima ng pagdukot ng mga respondent na pulis na itinago sa alyas na Norma.
Dinukot ang biktima matapos dumalaw sa boyfriend nitong preso sa medium security compound sa Muninlupa City.
Humingi ang mga suspek ng P2-Milyon sa pamilya ni alyas Norma subalit nagkatawaran at naibaba ito sa P1-Milyon kapalit ng kalayan ng biktima.
Bukod sa pera humingi rin ang mga suspek ng 1 kilong shabu mula sa biktima.
DZXL558