4 na pulis sa Metro Manila, nadagdag sa mga positibo sa COVID-19

Nadagdagan pa ng apat ang mga pulis na positibo sa Coronavirus Disease 2019.

Ito ay ayon kay PNP Health Service Director Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. kaya umabot na ngayon sa kabuuang 109 na mga pulis ang positive sa virus.

Ang apat na mga pulis ay nakatalaga sa Metro Manila na may mga edad 34 anyos, 32 anyos, 39 anyos at 45 anyos.


Sa 109 na mga positibo sa virus, 17 pulis na ang gumaling.

Pero mayroon pang 369 na PNP personnel ay Probable Persons Under Investigation at 375 personnel ay Suspected Persons Under Investigation.

Aasahan naman sa mga susunod na araw na magiging full operation na ang COVID-19 testing center sa Camp Crame na prayoridad na isailalim sa COVID test ang mga pulis na may sintomas ng COVID.

Facebook Comments