Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na apat na rehiyon sa bansa ang nakapagtatala ng clustering o pagtaas ng kaso ng dengue ngayong taon.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, kabilang dito ang Metro Manila, Region 4A o Calabarzon, Region 11 o Davao Region at Region 12.
Sa kabila nito, Nilinaw ni Vergeire na mas mababa ang mga kaso ng dengue sa unang 10 buwan ng taon kumpara noong 2020.
Mula aniya Enero hanggang Oktubre ngayong taon ay nakapagtala lamang sila ng 59,481 na kaso ng dengue na mas mababa sa 76,721 sa parehong panahon noong 2020.
Facebook Comments