4 na sakay ng Cessna plane na bumagsak sa Bulkang Mayon, natagpuan na

Narating na ng search and rescue team ang crash site ng Cessna 340 plane malapit sa bunganga ng Bulkang Mayon.

Ito ang kinumpirma sa RMN Manila ni Camalig, Albay Mayor Carlos Irwin Baldo Jr.

Ayon sa alkalde, hapon na nang marating ng rescue team ang pinagbagsakan ng eroplano.


Wala na ring buhay nang matagpuan ang apat na sakay nito.

“Natagpuan na, retrieval na po kami ngayon,” ani Baldo.

“Iba-iba ‘yung area nila pero hindi naman ganon kalalayo… nakikilala pa naman po sila.”

“Nag-augment na po sila, nag-planning kung saan kukunin, paano kukunin at sino ang mga kukuha,” dagdag ng alkalde.

Sabado ng umaga nang mapaulat na nawawala ang Cessna 340 matapos na lumipad mula sa Bicol International Airport na lalapag sana sa Manila.

Facebook Comments