4 na sandbars at 2 coral reefs sa Pag-asa Island, binigyan ng pangalan

Pinangalanan ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan sa Palawan ang 4 na sandbars at 2 coral reefs sa Pag-Asa (Thitu) Island, kung saan ang nakapalibot na tubig dito ay inaangkin ng China.

Ang apat na sandbars ay pinangalanang Pag-asa Cay 1, Pag-asa Cay 2, Pag-asa Cay 3, at Pag-asa Cay 4, habang ang dalawang coral reefs naman ay ang Pag-asa Reef 1 at 2.

Ayon kay Kalayaan Administrative and Information Officer Maurice Philip Albayda, nagsisilbing katunayan ang mga sandbars at bahurang ito para tuluyang mabawi ang sovereign authority sa West Philippine Sea.


Ang Pag-asa Island ay 37 ektarya at isa sa siyam na munting pulo ng Pilipinas na matatagpuan sa layong 285 milyang kanlurang bahagi ng Mainland Palawan kung saan naninirahan dito ang ilang mga sibilyan at ginagamit ding outpost ng militar.

Umaasa naman ang lokal na pamahalaan ng Kalayaan na makakaabot sa Kongreso ang ipinasa nilang ordinansang magsasama sa mga sand bars at bahura sa mapa ng isla.

Facebook Comments